Saturday, July 24, 2004

Rach! Di naman ata ako papayag na mas cute sila saatin noh, mas matangkad lang sila pero forever na mas cute tayo! Baka naman kasi sobrang nami-miss mo lang ako kaya ang tingin mo sa iba ako ... and vice-versa! =o) May sira ba friendster kasi for the past 2 weeks ang dami kong nakukuhang messages... kanina 13 messages, 2 friend requests and 1 testi. Tapos last week din ang dami. Tapos yung testi na binigay saakin last July 12, July 20 ko na nakuha. waaahh! Tapos pag may-in-add ako, hindi na-a-add. Ang labo talaga ng friendster. Siguro ang dami na kasing nag-l-log in hehehe =o)

Anyway... hmmm... di ko na natuloy yung email ko kasi susundoin na ako eh, may dinner pa naman kami. (mamaya ko na ku-kwento yung nanyari sa dinner hehehe) Anyway... ito yung sinulat ko sa friendster message: Wala akong nakukuhang text about me sleeping-over sa mid-term break and sitting-in sa UP, pero i love the idea!!! Pakikilala mo saakin yung look-a-like ko ha! Gustong gsto ko talaga siya ma-meet and decide if look-a-like ko talaga siya. hehehe =o) Last June 29 birthday ng mom ko, eh at the same time, aalis sila mama and papa para sa inaguration ni Tita sa Cebu. Kaya nag celebrate kami ng bday ni Mama June 28 ng gabi. Tapos pag daitng nila sa Cebu, nag0handa pala sila dad ng surprise party para kay mama! there were about 40 guests, yung mga ka-office mate ni mama, yung mga friends nila sa cebu, etc... tapos pina-close pa yung bar/restaurant para sa occasion na yon. May band pa na nag-p-play ng mga fave songs ni mama (mostly carpenters and Barbara Strisand) Tapos binigyan ni papa si mama ng flowers and nag-speech siya about sakanila, about their love story, etc... awww... ang sweet! sobra! Sayang sana nandoon kami ni kuya!!! 
June 9 bday ni Daddy, tapos after 1 week nag-pa surprise party naman sila mama para kay dad. Yon yung dinner na pinuntahan namin. hehehe Pero ito mas konti yung guests, and walang bads, dinner lang sa century park. Shemps, dapat present kami ni Kuya. Nakakatuwa ng kasi kahit na puro "grown-ups" yung nandoon nakaka-relate kami sa jokes nila. Super laftrip!!! =D

...

Ganyan talaga sa college, dapat palagi kang nag-h-hi kahit hindi mo alam yung name ng iba hehehe. May isang guy na classmate ko last term sa Comath 2, never ko siya nakausap or naging ka-group. Tapos ngayon pag nagkikita kami palagi siya nag-h-"hi". Noong una nag-s-smile lang ako, hindi ako nag-w-wave kasi baka hindi pala ako yung hina-"hi"-an tapos mapahiya pa ako.  Tapos one time sabi niya "Hi Ana!" tapos parang ako... hmmm.... ako ba? *tingin sa likod* walang tao... alam niya pangalan ko "ana" pa at hindi "maan"? ... So ngayon everytime nagkikita kami at nag-h-"hi" siya, nag-w-wave back na ako... nakakahiya nga hindi ko alam name niya. oh well... =o)

God bless sa test rach! Miss you! *hugz!*

0 Comments:

Post a Comment

<< Home