Sunday, March 14, 2004

Nagselos o nagtampo lang siguro ang Diyos

Hindi ako sigurado kung saan pero mero malamang ay medyo nababaliwala ko Siya ng kaunti.
Kahapon lamang ay nakuha na ng tatay ko ang mga resulta ng mga lab exams na pinakuha sa akin ng doktor dahil sa aking hematuria. Dahil sa klubhaan ng simtomas ay ang sa loob ko ay meron akong malubhang sakit. Sa mga oras na hinihintay ko ang mga resulta ay kinondisyon ko pa nga ang sarili ko na maaring malapit na ako mamatay. Lalo nga akong nabuhay dahil doon. Nilasap ko ang mga dapat na huli ko nang oras noon. Gumanda ang buhay na biyaya sa akin at ang sakripisyo ni Hesus ay lalo kong nasilayan.
Siguro nga ay napapagod na ako sa buhay noon.
Dumating ang text ng tatay ko sa akin na nagsasabing normal lahat at isang lab exam na lang para masigurado na wala ngang mali. Walang problema pero katakataka.
Totoo ngang gumagalaw ang Diyos sa mga pamamaraang hindi pamilyar sa atin. Naranasan ko ang mirakulo ng paggaling at kasama pa nito ay ang pagtutwid muli ng aking pagtanaw sa buhay. hinda pa ito tapos para sa akin, ayon sa Diyos. Marami pa nga akong kailangan gawin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home